BI personnels pinagbawalan ng magpost ng video sa tiktok na nakasuot ng uniporme
Pinagbawalan ng Bureau of Immigration ang kanilang mga empleyado na mag post ng video ng kanilang sarili habang suot ang kanilang uniporme sa sikat na social networking site Tiktok.
Paliwanag ni Immigration Commissioner Jaime Morente malinaw naman ang nakasaad sa kanilang patakaran patungkol sa pagsusuot ng uniporme.
Bilang public servants kailangan aniya na maganda ang imaheng maipakita ng BI employees sa publiko at magsilbing mabuting modelo.
Ang pagpopost aniya ng mga video sa social media na nakasuot ng uniporme habang kumakanta o sumasayaw halimbawa ay nagbibigay ng negatibonh imahe sa ahensya.
Ang pagpost rin aniya ng video habang nagtatrabaho ay labag sa direktiba na nagbabawal sa paggamit ng cellphone at iba pang gadget habang naka duty.
Batay aniya sa nakasaad sa Internal Social Media Policy ng BI mahigpit ang paalala sa kanilang mga personnel na sundin ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees sa pagpopost online para maprotektahan ang integridad ng kanilang ahensya.
Ang hakbang ni Morente ay kasunod ng ilang video ng airport immigration officers sa Tiktok na hindi nagustuhan ng Immigration chief.
Binalaan rin nito ang mga empleyado na hindi susunod sa kautusan na maaaring masampahan ng kasong administratibo.
Madz Moratillo