Bicameral Conference committee, kokunsultahin si Pangulong Duterte sa problema ng Bangsamoro Basic Law
Kakausapin ng Bicameral conference committee sa Malakanyang si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng problemang kinakaharap ng panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ito’y matapos magkaroon ng deadlock ang Bicameral conference committee sa isyung kung aling mga lugar ang sasakupin ng Bangsamoro Region na ipapalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.
Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na handa si Pangulong Duterte na umupo kasama ang mga miyembro ng Bicameral conference committee para maayos ang problema.
Ayon kay Roque ang BBL ay isa sa ipinangako ng Pangulo sa Bangsamoro people na inaasahang magbibgay daan sa pagkakaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao.
Umaasa ang Malakanyang na bago ang ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Duterte sa July 23 ay magiging ganap na batas.
Ulat ni Vic Somintac