Biden at Widodo, nanawagan sa Myanmar junta na pawalan na ang political prisoners
Nanawagan si US President Joe Biden at Indonesian President Joko Widodo sa Myanmar military junta, na palayain na ang political prisoners.
Sa sideline meeting ni Biden at Widodo sa COP26 climate summit sa Glasgow, naging highlight din ang “freedom of the sea” sa Indo-Pacific region.
Ayon sa White House, nagpahayag ng pag-aalala ang 2 lider tungkol sa kudeta sa Burma at kapwa sumang-ayon na dapat nang itigil ng Burmese military ang karahasan at palayain na ang lahat ng political prisoners, at magbigay-daan sa agad na pagbabalik ng demokrasya.
Nagpahayag ng suporta si Biden para posisyon ng ASEAN sa Myanmar, na hindi dumalo sa isang summit ng southeast Asian regional grouping nitong nakalipas na buwan, matapos pagbawalan ang military junta chief na dumalo rito.
Ang Indonesia ang susunod na magiging pangulo ng G20 group at suportado ni Biden ang liderato nito sa Indo-Pacific bilang third-largest democracy sa buong mundo at malakas na tagapagtaguyod ng international rules-based order. (AFP)