“Big Eight Allergens “ alamin para maiwasan!
Halos lahat ay nakaranas magkaroon ng allergy.
Ayon sa Philippine Society of Allergy, Asthma and Immunology (PSAAII), pinakakaraniwang nararanasan ay ang food allergy.
Ilan sa mga pagkaing madalas na maging sanhi ng food allergy ay itlog, gatas, mani, ilang shellfish na tulad ng hipon, lobster at alimango.
Bukod sa mga nabanaggit, may ilang mga kababayan natin na allergic sa soybean at wheat.
Sinabi ng PSAAI, karaniwang sanhi ng allergy sa mga bata ang gatas, itlog at mani.
Ilan sa sintomas ng food allergy ay pangangati ng balat, pamamantal, pangangati ng bibig, pamamaga ng labi, baradong ilong at hirap sa paghinga.
Payo ng mga eksperto mula sa PSAAI, kung alam rin naman na may allergy sa ilang pagkain ay iwasan na itong kainin at huwag nang magsabing may gamot naman dahil kung minsan maaari pa rin itong magdulot ng pinsala sa kalusugan.
Belle Surara