The Big One, dapat paghandaan na – Rep. Batocabe
Naghain ng panukalang batas si AKO-Bicol Party list Rep. Rodel Batocabe bilang paghahanda sa sinasabing “ The Big One”.
Ayon kay Batocabe, launin nito na ma-educate ang publiko sa epektong dulot ng lindol.
Kaugnay ito ng halos magkakasunod na lindol na tumama sa Batangas na sinundan ng marami pang aftershocks.
Nakasaad sa House Bill No. 805 o “Act Mandating All Schools and Universities to Establish an Area-Specific Disaster Risk Reduction Management and Education Program in their Respective Jurisdictions” ang nagbibigay ng oportunidad para sa matibay na paghahanda ng mga mamamayan para sa tinatawag na The Big One.
Napatunayan ni Batocabe na walang kahandaan ang mga Pilipino sa posibilidad ng pagtama ng magnitude 7.2 na lindol na pinangangambahang Metro Manila ang maging sentro sa anumang oras.