Bilang ng bumibisita sa Eiffel Tower, bumabalik na sa pre-Covid levels
Sinabi ng operator ng Eiffel Tower, na bumabalik na ang bilang ng mga bumibisita rito gaya nung panahong wala pang pandemya.
Itinuloy na rin ang major paint job sa tinaguriang “Iron Lady” bilang paghahanda na rin sa 2024 Paris Olympics.
Ayon sa Sete, operator ng Eiffel Tower nakatanggap ito ng average na higit 20,000 visitors kada araw nitong Oktubre, mas mataas kumpara sa 13,000 noong may ipinatutupad pang limitasyon sa bilang ng maaaring bumisita sa sikat na tourist destination.
Isa malaking contributor nito ay ang pagbabalik ng American tourists, na kumakatawan sa 10 percent ng overall visits at maging ang mga turista mula sa kalapit na European countries.
Gayunman, ang overall visits ngayong taon ay inaasahang aabot lamang sa 1.5 million, mas mababa pa rin kumpara sa 6.2 million noong 2019.
Ayon sa Sete, inaasahang malulugi ng 75 million euros ang Eiffel Tower ngayong taon.
Ang Eiffel Tower ay nagsara mula kalagitnaan ng Marso hanggang sa huling bahagi ng June 2020 nang magkaroon ng unang Covid lockdown, at nasundan noong pagtatapos ng Oktubre hanggang kalagitnaan ng July 2021, na siyang pinakamahabang panahon na ito ay isinara. (AFP)