Bilang ng covid-19 cases sa bansa , umakyat na sa 331,869
Pumalo na sa 331,869 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases ang naitala sa bansa.
Sa bilang na ito, ay 51,482 ang active cases.
Ngayong araw nakapagtala ang Department of Health ng 2,363 bagong kaso ng virus infection.
Nanguna parin sa listahan ng may pinakamataas na kaso ang National Capital Region na may 858 new cases.
Sinundan ng Cavite na may 309 new cases, Batangas na may 139 new cases, Rizal na may 112 new cases at Bulacan na may 97 new cases.
May naitala namang 697 na bagong gumaling mula sa covid 19.
Dahil rito, umabot na ngayon sa 274,318 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.
May 144 namang naitalang bagong nasawi dahil sa COVID-19.
Ang 47 rito ay nasawi noong Oktubre, 26 noong Setyembre, 46 noong Agosto, at 25 noong Hulyo.
Sa kabuuan ay pumalo na sa 6,069 na ang nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.
May 131 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang na kanilang inireport kasunod ng nagpapatuloy na paglilinis at validation sa kanilang listahan.
Madz Moratillo