Bilang ng fully vaccinated kontra Covid-19 sa Maynila, mahigit 1.16 milyon na
Umabot na sa mahigit 2.4 milyong dosage ng bakuna kontra Covid-19 ang naiturok sa Maynila.
Sa datos mula sa Manila LGU, may 1.16 milyon indibiwal na sa lungsod ang fully vaccinated na kontra Covid-19.
May mahigit 1.3 milyon naman ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.
Patuloy namang hinikayat ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang publiko lalo na ang mga Manilenyo na magpabakuna na kung may pagkakataon.
Samantala, may mahigit 32,000 kabataan na nasa edad 12 hanggang 17 anyos ang nagpapre-register sa lungsod bilang pagpapahayag na nais nilang mabakunahan na rin kontra Covid-19.
Sa datos ng Manila Health Department, may 1,247 pa na aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Sa kabuuan naman, umabot na sa 82,562 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa Maynila, kung saan 79,761 rito ay nakarekober na habang may 1,554 ang nasawi.
Madz Moratillo