Bilang ng Healthworkers na nasawi dahil sa covid 19 , umabot na sa 56
Umabot na sa 56 ang bilang ng mga health care workers na nasawi dahil sa COVID-19.
Sa datos ng Department of Health, kabilang sa mga bagong nasawi ay nurse, administrative staff, utility personnel at iba pa.
Sa kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa virus, pinakamarami pa rin ang bilang ng mga doktor.
Batay pa sa datos ng DOH, kabuuang 8,573 na HCWs ang tinamaan ng COVID-19.
Ang magandang balita naman ayon sa DOH, nasa 7,980 ang gumaling mula sa sakit.
Sa ngayon ay nasa 537 pa ang mga aktibong kaso sa hanay ng healthcare workers.
Sa bilang na ito, 292 ang mild cases, 219 ang asymptomatic, 21 ang severe condition at 5 ang nasa kritikal na kondisyon.
Aminado naman ang DOH na nagkakaroon ng delay sa paglalabas ng listahan ng HCW na nasawi dahil sa covid 19.
Paliwanag ni Health Isec. Ma Rosario Vergeire, kailangan kasing maging maingat sa validation ng mga HCW na namatay dahil sa COVID-19 bago sila maglabas ng datos.
Tiniyak rin ng opisyal na ang mga inilalabas nilang datos ay tama at transparent.
Madz Moratillo