Bilang ng Maute sa Marawi City nadagdagan, ilang terorista gusto ng sumuko ayon sa AFP

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines o AFP na mayroong mga miyembro ng teroristang Maute group sa Marawi City na nagnanais ng sumuko.

Sa Mindanao hour sa Malakanyang sinabi ni AFP Spokesman Major General Reatituto Padilla na mayroong mga report na natatanggap ang ground commander ng militar sa Marawi City na nais ng sumuko ang mga natitirang Maute group na mahigit tatlong buwan ng nakikipagbakbakan sa tropa ng pamahalaan.

Ayon kay Padilla nakatanggap din ang militar ng inpormasyon na nadagdagan ang puwersa ng Maute group habang nalalapit na silang masukol ng tropa ng pamahalaan.

Inihayag ni Padilla na ang dating 40 natitirang Maute group ay naging 80 dahil pinuwersa ang kanilang natitirang bihag na lukaban narin sa umaabante tropa ng militar.

Niliwanag ni Padilla na lalong nag-iingat ang tropa ng pamahalaan habang apaliit na ang stronghold ng mga teroristang Maute group.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *