Bilang ng mga barangay sa Biñan City, Laguna na wala nang aktibong kaso ng COVID-19, naragdagan pa
Aabot na sa 15 ang barangay at komunidad sa Biñan City, Laguna ang wala nang aktibong kaso ng COVID-19.
Sa tala ng Biñan City Epidemiology and Surveillance Unit, nadagdagan pa ng tatlong barangay ang zero active case na sa lungsod.
Ito ay ang mga barangay ng Canlalay, Mamplasan, at Sto. Domingo.
Kabilang din sa wala nang active COVID-19 case ang mga komunidad ng BJMP at PNP Custodial Facility.
Makikita rin sa datos ng LGU na patuloy ang pagbaba ng kaso ng virus sa Biñan.
Sa latest bulletin ng lungsod, kabuuang 30 na lang ang aktibong kaso ng COVID sa Biñan matapos makarekober na ang mahigit 1,800 pasyente at pumanaw ang nasa 50.
Gayunman, paalala ng lokal na pamahalaan sa mga residente na huwag pa ring magpakampante at sundin ang mga health protocols para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Moira Encina