Bilang ng mga COVID-19 variant na naitatala sa bansa, patuloy parin sa pagtaas
Patuloy parin ang pagtaas ng bilang ng mga variant ng COVID 19 ang naitatala sa bansa.
Sa datos ng Department of Health, may 289 B.1.1.7 o UK variant ang nadagdag habang may 380 B.1.351 o South African variant naman ang nadagdag at may 9 na P.3 o Philippine variant rin ang nadagdag sa bilang.
Ito ay mula sa 744 samples na isinailalim sa sequencing ng Philippine Genome Center.
Ayon sa DOH, sa 289 UK variant cases na ito 48 ang Returning Overseas Filipinos, 185 ang local cases, habang bineberipika pa ang 56.
Ang 3 sa mga ito ay active cases pa habang ang 284 ay nakarekober na at mayroon namang 2 na nasawi.
Sa 380 bagong South African variant cases, naman ay 107 ang ROF, 196 ay local cases habang bineberipika pa ang 77.
Sa bilang na ito, 1 nalang ang aktibong kaso habang ang 379 ay nakarekober na.
Sa 9 naman na bagong P3 o Philippine variant, ang 3 ay ROF habang local cases naman ang 4 at bineberipika naman ang 2 pa.
Lahat ng 9 na ito ay nakarekober na mula sa COVID 19.
Madz Moratillo