Bilang ng mga filipino na walang trabaho bumaba
Bumaba na ang bilang ng mga filipino na walang trabaho.
Batay sa labor force survey ng Philippine statistic authority noong November 2021, umabot na sa 3.16 million ang unemployed o bilang ng nasa labor force na walang trabaho o negosyo.
Mas mababa ito ng 0.34 million kumpara sa 3.5 million noong Oktubre 2021.
Ang unemployment rate ay naitala sa 6.5 percent nitong Nobyembre 2021 mas mababa kumpara sa 7.4 percent na naiulat noong October 2021.
Sinabi ni National Statistician USEC Dennis Mapa na marami ang nakabalik sa trabaho matapos luwagan ang quarantine restrictions sa maraming rehiyon dahil sa pagbaba ng kaso ng COVID noong nakaraang taon.
Meanne Corvera