Bilang ng mga fully vaccinated sa bansa kontra COVID-19,umabot na sa mahigit 2.1 million – DOH
Umabot na sa mahigit 2.1 milyong indibidwal sa bansa ang fully vaccinated na kontra COVID-19.
Sa datos ng Department of Health, may mahigit 6.2 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.
Umabot naman sa mahigit 1.5 milyong A1 o medical frontliners na ang nabakunahan kung saan ang mahigit 1 milyon rito ay fully vaccinated na.
Sa A2 o Senior Citizens naman mahigit 2 milyon na ang nabakunahan, mahigit 553,000 rito ang nakatanggap na ng una at pangalawang dose ng bakuna.
Sa A3 o persons with commorbidities, mahigit 2 milyon na rin ang nabakunahan kung saan mahigit 524,000 rito ay fully vaccinated na.
Sa A4 o economic workers naman, may mahigit 526,000 na ang nabakunahan, ang mahigit 8,000 rito nakatanggap na ng una at pangalawang dose ng bakuna.
Sa A5 naman o indigent population na sinimulan naring bakunahan nitong nakaraang linggo, may mahigit 67,000 na ang nakatanggap ng unang dose ng bakuna.
Madz Moratillo