Bilang ng mga health care workers na tinamaan ng covid- 19, umabot na sa 9,822
Kasabay ng patuloy na pagtaas ng covid cases sa bansa, tumataas rin ang bilang ng mga healthcare workers na tinatamaan ng COVID-19.
Sa datos ng Department of Health, hanggang nitong Oktubre 3, mayroon ng 9 822 healthcare workers ang nagpositibo sa virus.
Pero sa bilang na ito, 6.7% o 661 na lamang ang active cases.
Habang ang 92.6% naman o 9 100 ay nakarekober na mula sa sakit.
Nasa . 6% o 61 naman ang bilang ng nasawi dahil sa covid 19.
Ayon sa DOH, sa nasabing bilang ng mga nasawi, mayorya o 26 ay doktor, 17 ay nurse, 7 ang admin staff, 2 ang nursing assistant, 2 ang utility, 1 barangay health worker at 1 dietary staff.
Madz Moratillo