Bilang ng mga lumabag sa Quarantine protocol, bumaba ng 19 percent
Bumaba ang bilang ng mga nahuhuling lumalabag sa Quarantine protocol.
Ito ang ipinahayag ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar.
Ayon sa opisyal, nakapagtala sila ng 51,000 violators simula nang isailalim sa General Community Quarantine (GCQ) ang NCR Plus kumpara sa 63,000 violators noong nakalipas na linggo.
Magandang indikasyon aniya ito na unti-unti nang natututo ang karamihan sa mga mamamayan na sumunod sa ipinaiiral na Public Health protocol.
Umaasa si Eleazar na magtutuluy-tuloy ang pagtalima ng publiko sa mga guidelines dahil nananatili pa rin ang bansa sa mga Quarantine status at nasa paligid pa rin ang panganib na dulot ng Covid-19.