Bilang ng mga nabakunahan kontra COVID-19, umabot na sa mahigit 2 million

Umabot na sa mahigit 2 milyon ang nababakunahan laban sa COVID 19 sa bansa.

Sinabi ni Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez batay ito sa report ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje Chairperson ng National COVID- 19 Vaccination Operations Center na 1,744,649 ang nabakunahan sa first dose habang ang nakakumpleto na ng dalawang doses ay nasa 320, 586.

Ayon kay Galvez hindi lamang sa priority group A1 hanggang A3 category ang nabakunahan kundi nasimulan na rin ang pagbabakuna sa priority group A4 o mga economic frontline personnel.

Inihayag ni Galvez kabuuang 1, 016 vaccination sites sa buong bansa ang pinagdarausan ng pagbabakuna.

Niliwanag ni Galvez kung wala ng aberya sa pagdating ng mga bakuna ay magtutuloy-tuloy na ang rollout ng mass vaccination program ng pamahalaan para matapos na ang pandemya ng COVID 19 sa bansa.

Vic Somintac

Please follow and like us: