Bilang ng mga nawalan ng trabaho sa bansa dahil sa Covid-19 umabot na sa mahigit 180,000
Umabot na sa 180, 207 mga manggagawa sa buong bansa ang nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng Covid-19.
Sa Regular Job Displacement Monitoring Report ng Department of Labor and Employment (DOLE), nakasaad na ang mga nawalan ng trabaho ay mula sa 9,548 na establisimyento.
Ang kabuuang bilang ng mga apektadong manggagawa ay naitala mula Enero hanggang katapusan ng Agosto 2020.
Ayon sa DOLE, ang mga naapektuhang manggagawa ay dahil sa retrenchment o pagbabawas ng mga manggagawa, o bunsod din ng permanenteng pagsasara ng kanilang pinagta-trabahuhan.
Sa datos ng DOLE, nanguna ang National Capital Region (NCR) sa mga lugar kung saan maraming manggagawa ang nawalan ng trabaho na nasa 89,531 displaced workers mula sa 3,942 na establisimyento.
Ikalawa sa Region 4A o CALABARZON, kung saan aabot sa 34,694 na manggagawa ang nawalan ng trabaho mula sa 1,556 na establisimyento.
Ayon sa DOLE, ang Job Displacement Report ay galing sa Notices of shutdown and retrenchment na isinusumite ng mga employer sa mga DOLE Regional offices.
Madz Moratillo