Bilang ng mga OFW na nagpositibo sa covid 19 bumaba – DOLE
Bumaba na ang bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 infections sa hanay ng mga OFW na nasa ilang major overseas labor destinations.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, batay na rin sa monitoring ng Philippine Overseas Labor Offices walang bagong kaso ng COVID-19 infection na naitala sa hanay ng mga OFW sa Kingdom of Saudi Arabia, United Arab Emirates, Malaysia at iba pang ASEAN neighbors gaya ng Thailand, Laos, Myanmar, at Taiwan at Japan.
Bagamat may naitalang bagong kaso ng COVID-19 infections ng OFW sa Israel, ay mas mababa naman ito ayon kay Bello kumpara sa 3 kasong naitala noong Setyembre 30.
Sa ulat aniya ng POLO sa Tel-Aviv, ang nasabing OFW ay ililipat sa quarantine hotel.
Sa Qatar, may 6 na OFW ang nagpositibo sa virus batay na rin sa report ng POLO pero mababa ito sa 20 bagong kasong naitala noong September 30.
Ayon naman sa POLO sa Germany, gumaling na lahat ng 80 OFW na unang nagpositibo sa virus.
Sa Belgium naman ang 7 OFW na una ng nagpositibo sa COVID-19 ay gumaling na rin.
Sa Spain naman ay nakarekober na mula sa virus ang 85 sa 102 pinoy na una ng inireport ng POLO.
May dalawa naman sa kanila ang nagnegatibo sa virus at 6 ang nasawi. Sa France, sa 14 na pinoy na namonitor ay 8 na ang nakarekober habang 6 ang nasawi naman dahil sa virus.
Sa Portugal, ang 5 namonitor na OFW at 73 OFW sa Canada ay nakarekober na mula sa COVID-19.
Madz Moratillo