Bilang ng mga Pinoy na walang trabaho, bumaba na – PSA
Bumaba na ang bilang ng mga Flipinong walang trabaho nitong buwan ng Mayo.
Sa Labor Force survey na isinagawa ng Philippine Statistics Authority, naitala na lamang sa 3.73 million ang walang trabaho.
Mas mababa na ito ng .41 million sa datos noong Abril na naitala sa 4.14 million.
Ang unemployment rate ay naitala sa 7.7 percent nitong Mayo 2021 mas mababa kumpara sa naitala noong Abril 2021 na 8.7 percent.
Sinabi ni National Statistician Undersecretary Dennis Mapa, bumaba na ang bilang ng mga walang trabaho dahil sa pagluluwag sa mga quarantine restriction at pagbubukas ng mas maraming negosyo lalo na sa Metro Manila.
Ilan sa mga negosyong nagbukas at nagbigay ng mas malaking employment ay ang wholesale at repair ng mga motor vehicle, agriculture, manufacturing at construction.
Meanne Corvera