Bilang ng mga turistang pumasok sa bansa mula Enero , umabot na sa 1.7 Million
Unti- unti nang nakakabangon ang sektor ng turismo sa bansa sa epekto ng pandemya.
Katunayan nito ang pagdagsa ng mga turista sa magagandang tourists destination sa Pilipinas.
Sa budget hearing sa panukalang 3.5 billion na pondo ng Department of Tourism, sinabi ni Secretary Maria Christina Frasco na umabot na sa 1.6 million ang turistang pumasok sa bansa, malapit na sa 1.7 tourist sa projection ng DOT hanggang sa Disyembre ngayong taon.
Pinakamarami sa mga turistang bumisita sa bansa ay mula sa Estados Unidos, pangalawa ang Korea, na sinundan ng Australia, Canada at United Kingdom.
Wala naman daw balak ang DOT na magpalit ng tourism slogan.
Sa ngayon sinabi ni Frasco na ang Pilipinas ay pang anim na sa mga bansa sa buong Asean Region na nangunguna sa turismo batay sa travel and tourism competitiveness index noong 2021.
Dahil dito target ng DOT na mapaganda pa ang mga tourism infrastructure tulad ng airport, seaways at mga kalsada at tulay na dinadaanan patungong mga tourist destinations.
May ugnayan na rin sila sa local government units para mapaganda pa ang mga lugar na dinadayo ng mga turista na nasa kanilang mga lugar.
Meanne Corvera