Bilang ng mga Young Professionals na dinadapuan ng HIV, dumarami-DOH

Halos nasa 900 mga bagong kaso ng Human immunodeficiency virus (HIV) infection ang naitala ng Department of Health o DOH.

Nasa mahigit na 20 naman ang naitalang namatay nito lamang nakalipas na Pebrero taong kasalukuyan.

Ayon kay DOH Assitant Secretary Lyndon Lee Suy, dumarami ang young professionals na dinadapuan ng HIV.

Sinabi ni Suy na bago umalis ng bansa ang  mga OFW, may ginagawang pre- Departure orientation at kasama sa mga tinatalakay ang tungkol sa HIV.

Binigyang diin pa ni Suy na kung sa tingin ng isang tao posibleng exposed siya sa HIV, dapat mag pa -test, libre naman anya ito at discreet .

Payo pa ni Suy sa mga may HIV, mahalaga ang tamang pag-inom ng gamot upang hindi ito mawalan ng bisa laban sa virus.

 

Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *