Bilang ng nasawi sa Ecuador prison riot umakyat na sa 31
Inihayag ng attorney general’s office na umakyat na sa 31 mula sa 18 ang bilang ng mga namatay na preso sa Ecuador prison riot, kasunod ng apat na araw nang madugong labanan sa pagitan ng magkalabang mga gang.
Ayon sa tanggapan, “The number of dead has risen to 31, with 14 wounded, after the clashes registered since Saturday inside the (Guayas 1 prison) in Guayaquil.” Kabilang sa mga nasaktan ang isang pulis.
Nagsimula ang riot sa port city ng Guayaquil noong Sabado, July 22 kung saan 18 ang unang naitalang nasawi.
Nagsagawa rin ng pagpapatrulya ang pulisya at militar sa labas ng piitan matapos sumiklab ang labanan.