Bilang ng pamilyang Pilipino na nakakaranas ng gutom , bumaba – SWS
Bumaba na ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakakaranas ng gutom.
Batay sa latest survey ng Social Weather Stations noong Hunyo 23 hanggang 26, bumulusok ng hanggang 2.2 million o 9.5 percent ang hunger level sa bansa.
Pinakamababa ito magmula noong Marso 2004 kung kailan ang hunger level ay bumaba ng 7.4 percent.
Kabilang sa 9.5 percent na naitala sa second quarter ng 2017 ay ang mga nakakaranas umano ng “moderate” at “sever” hunger.
Please follow and like us: