Bilang ng unemployed umaabot na sa mahigit apat na milyon
Tumaas pa ang bilang ng mga pinoy na nawalan ng trabaho ngayong may nararanasang COVID-19 pandemic.
Sa isinagawang labor force survey ng Philippine Statistics Authority noong Abril ngayong taon, umakyat sa 4.14 million ang mga pinoy na nawalan ng trabaho.
Mas mataas ito kumpara sa 3.95 million na naitala noong enero ng taong ito.
Ayon kay National Statistician USEC Dennis Mapa ang unemployment ay pumalo sa 8.7 percent.
Limang rehiyon ang nakapagtala ng pagtaas ng bilang ng mga nawalan ng trabaho na kinabibilangan ng National Capital Region, Regions 3, 4a o CALABARZON at Region 7.
Pinaka- apektado ang Services sector, Agriculture, Construction at Manufacturing industry.
Meanne Corvera