Binigyang -pugay ni PBBM ang tagumpay ng Western Command ng AFP sa pagbabantay sa West Philippine Sea.
Ayon kay Pangulong Marcos, mahalaga at mahirap ang responsibilidad na nakaatang sa Western Command.
Sa talumpati ng presidente sa Talk to Troops sa Western Command Lawak Gymnasium sa Palawan, sinabi nito na ang pinakamahalagang bahagi ng responsibilidad ng Western Command ay ang ipagtanggol ang sovereign territory ng Pilipinas.
Aniya, kahit mas maliit na puwersa ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo ay nagagampanan ng AFW Western Command ang tungkulin nitong panatilihin ang kapayapaan sa lugar.
Siniguro ni PBBM ang patuloy na suporta ng gobyerno sa militar kasama ang lokal na pamahalaan ng Palawan.
Madelyn Moratillo