Binondo-Intramuros bridge, inaasahang makukumpleto sa Setyembe 2021
Target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na makumpleto ang konstruksyon ng Binondo-Intramuros bridge project sa Maynila sa Setyembre ng kasalukuyang taon.
Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar, nasa 50% nang tapos ang proyekto.
Nagsagawa ng inspeksyon si Villar kasama sina Chinese Ambassador Huang Xilian, DPWH Undersecretary for Unified Project Management office (UPMO) Operations Emil Sadain at project Director Virgilio Castillo ng DPWH UPMO roads management cluster 1 upang makita ang progreso ng Bridge project.
Ayon sa kalihim, magsisilbi itong bagong “Iconic Landscape” na magkokonekta sa Binondo at Intramuros.
Sisinimbolo rin aniy ang diseno ng tulay ang “Friendly Cooperation” ng China at Pilipinas.
Inaasahang nasa 30,000 sasakyan ang daraan sa tulay kada araw sa sandaling makumpleto na ito at mababawasan rin ang mabigat na trapiko sa pagitan ng Binondo at Intramuros.