Binunot na ngipin, dapat agad palitan

Dental is essential.

Kapag kumain ka at walang ngipin sa kaliwang bahagi  o sa kanan, siyempre, lilipat ka sa  bahagi kung saan may ngipin. 

Dahil dito, nagkakaroon ng bite changes.

Kasi umiiwas ka sa may bungi o sa walang ngipin at pupunta ka sa may ngipin.

Alam n’yo ba na puwedeng magkaroon ng epekto sa hitsura ng ating mukha kapag may kulang na ngipin kahit sa likod pa ito at hindi front teeth?

Nagkakaroon ng deformity ang mukha. 

Ang hitsura ay nagiging tabingi. 

50% 32% 40%
courtesy of ctf.org

Kaya nga kapag nabunutan o binunutan ng ngipin, dapat ‘asap’ palitan o palagyan agad ng ngipin o replacement para maging tama ang function .

Hindi lang tayo dapat nakafocus sa hitsura kundi lalo na sa function lalo na kapag nabunutan tayo ng ngipin,. 

Kapag natanggalan ng ngipin apektado ang facial feature o facial profile natin.  Paano na ngayon kapag pinabayaan lang natin? 

Ang nangyayari ang mukha sa kabila ay lumiliit habang sa kabila ay malaki.

Ang pagtabingi ng mukha , paglubog ng mata sa kabila o ang pagluwa ng mata ay dahil sa binunot na ngipin.

Balikan ko lang ‘yung sinabi kong ‘asap’ mapalitan, ibig sabihin ay pagkabunot ng ngipin, may maikabit na o maipalit na. 

Ito ‘yung tinatawag na immediate denture.

Kapag lumuwag , may relining para mag-fit ulit.

Kailangang may kapalit agad para hindi maligaw ang panga kung saan pupwesto  at maiwasan din na magkaroon ng epekto sa gilagid o gums.

Kapag nabunutan ng ngipin, ang tendency ay gagalaw o uusog  ang ngipin sa vaccant space, At dahil walang ngipin ang pisngi ay magsisink o puwedeng magcollapse.

Malaki din ang epekto sa pangangatawan kapag nabunutan ng hindi napalitan ang ngipin. 

Puwedeng pagmulan ng sakit sa ulo.

Everytime na ngumunguya matindi ang pressure dahil walang sumasangga o walang support kaya diretso sa ulo.

Kapag nabunutan ng ngipin may agad na epekto na ito sa dugtungan ng ulo o TMJ (temporomandibular joint). 

May epecto na sa function.

Marami sa atin ang kulang sa awareness kaya ginagawa natin ito, para makatulong. 

Ang advise ko lang, pag may ngipin na nawala at binalewala, ang buong bibig at katawan ang mapipinsala.

Please follow and like us: