BIR, bukas din sa anumang imbestigasyon patungkol sa katiwalian
Tiniyak ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Caesar Dulay na bukas sila sa anumang anti-corruption investigation na gagawin ng Department of Justice (DOJ).
Giit ni Dulay, malaking tulong ang imbestigasyon na ito upang matanggal ang mga natitirang corrupt sa ahensya.
Pagtiyak pa ni Dulay, handa silang makipagtulungan ng 100 porsyento sa gagawing imbestigasyon.
Paliwanag ni Dulay sa pagtupad sa kanilang mandato ay hindi maiiwasan na may ilan sa kanilang mga tauhan ang nalalantad pa rin sa korapsyon.
Kaya naman dito aniya makakatulong ang DOJ investigators.
Ayon kay Dulay, sa ilalim ng kanyang pamumuno ay patuloy ang pagtaas ng Revenue Collections ng BIR na umabot sa 75% ng kabuuang kinita ng gobyerno.
Noong 2019, ang Revenue collections ng BIR ay umabot sa 2.0 trillion pesos na 96.3% ng kanilang target.
Ngayong 2020 sa kabila ng Covid-19 Pandemic, patuloy aniya ang BIR sa effort na maabot ang kanilang revenue target.
Madz Moratillo