BIR Commissioner Caesar Dulay handa raw harapin ang mga kasong maaaring isampa sa kanila kaugnay ng Marcos estate tax issue
Handa si Bureau of Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay na harapin ang anumang kaso na maaaring isampa sa kanya kaugnay ng kanyang trabaho.
Ang pahayag ay ginawa ni Dulay kasunod ng babala ni dating Supreme Court Justice Antonio Carpio na maaaring kasuhan ang mga opisyal ng BIR dahil sa kabiguang mangolekta ng buwis.
May kaugnayan ito sa estate tax na hindi pa nababayaran ng mga Marcos.
Nilinaw rin ni Dulay na batay sa record ng BIR, 23.3 bilyong piso lang ang utang na buwis ng mga Marcos at hindi 203 bilyon.
Naniniwala si Dulay na naniniwala syang ang justice system ay ginagabayan ng rule of law at ang Korte ay umaaksyon ng batay sa facts at hindi ng public opinion.
Tiniyak ni Dulay na sa ilalim ng kanyang pamamahala, patuloy na mangongolekta ang BIR ng mga hindi pa nabayarang buwis.
Pero ang lahat ibabatay aniya sa tamang proseso ng pangongolekta.
Dagdag pa ni Dulay, ang paniningil sa mahigit 30 taon ng Marcos estate tax ay dumaan sa 5 presidente at 13 BIR Commissioners.
Madelyn Villar – Moratillo