BIR, kinakalampag ng mga Senador na buwisan ang mga e-sabong kung hindi mapapatigil ang operasyon
Kinakalampag ni Senador Francis Tolentino ang Bureau of Internal Revenue at PAGCOR na buwisan ang mga e-sabong operators at mga napapanalunan ng kanilang mga manlalaro.
Ito’y kung hindi papayag ang gobyerno na pansamantalang suspindihin ang e- sabong operations gaya ng rekomendasyon ng mga Senador hangga’t hindi nareresolba ang pagkawala ng mahigit tatlumpung sabungero.
Ayon kay Tolentino, bigo ang BIR at PAGCOR na patawan ng 20 percent na witholding tax ang mga winning profits mula sa online sabong .
Masyado aniyang mababa ang 12,500 na regulatory fee na ipinapataw ng PAGCOR samantalang milyon milyong piso ang kitaan sa operasyon nito.
Sa ilalim ng National Internal Revenue code, obligado ang mga may-ari ng pasugalan na binigyan ng prangkisa ng gobyerno na ibigay ang malaking kita sa pamahalaan.
Meanne Corvera