BIR nagpasalamat sa mga natanggap na pagkilala sa kanilang anti- corruption campaign
Nagpaabot ng pasasalamat si BIR Commissioner Caesar Dulay sa mga natanggap na papuri at pagkilala sa kanilang anti corruption campaign sa ahensya.
Una rito pinuri ng Malakanyang ang anti-corruption campaign ng BIR na sa kabila ng Covid-19 pandemic ay nagawa nilang lumagpas pa sa kanilang tax collection target.
Ang pagkilala ng Palasyo ay kasunod na rin sa ulat 8888 Citizens’ Complaint Center na siyang pumuri at nagbigay komendasyon sa BIR dahil sa 100 porsyentong pagtalima nito sa Citizen’s complaints.
Kasabay nito tiniyak ni Dulay na patuloy na makikinig ang BIR sa lahat ng feedback mula sa publiko, ito man ay mga mungkahi, reklamo o iba pang concerns.
Ayon kay Dulay ang ilan sa mga reklamong ito ay may kaugnayan sa ilang natitirang “bad eggs” sa ahensya na isinumite na nya sa anti-graft probe ng Department of Justice.
Dahil sa pinaigting na tax collection ay nalagpasan pa ng BIR ang kanilang 1.424 trillion target collection kung saan mula Enero hanggang Oktubre ng 2020 ay nakakolekta sila ng P1.58 trillion bayad sa buwis.
Inaasahan ng BIR na makakakolekta sila ng halos P2 trillion ngayong taon kasunod na rin ng muling pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.
Sa kabuuan ang BIR ang pinakamalaking kontribusyon ng kita ng pamahalaan na nakakapagtala ng two-third (2/3) na revenue ng gobyerno kada taon.
Madz Moratillo