Bird flu outbreak sa Phl, Isinisi sa talamak na Smuggling
Itinuturong dahilan ng bird flu outbreak ang patuloy na smuggling ng Agricultural at Poultry products sa bansa.
Kabilang sa mga lugar sa bansa na mayroong naitalang avian influenza ay ang Duck at Quail farms sa Bulacan, Pampanga, Laguna, Camarines sur , Nueva ecija, Bataan, Tarlac, Sultan Kudarat at Benguet.
Ayon kay Magsasaka partylist representative Argel Joseph Cabatbat, ilan sa mga insidente na maaaring nagpasok sa Pilipinas ng mga sakit sa mga hayop ay ang mga nasabat na pork at meat products at assorted agri-fishery products na napatunayang kontaminado ng african swine fever o ASF.
Giit nito, mismong sa D-A nanggaling na nasa 650 million pesos ang halaga ng naharang na smuggled items simula April 2021.
Tiyak aniya na may kasamang poultry products na hinihinalang kontaminado ng H5n1 virus ang kabilang sa naharang ng mga ito.