BIR,nakastigo ni Senador Grace Poe dahil sa hindi pagsusumite ng mga dokumento na may kinalaman sa mga prangkisa
Nakastigo ni Senador Grace Poe ang Bureau of internal revenue dahil sa hindi pagbibigay ng impormasyon sa Senado sa mga nag-aapply ng prangkisa.
Nais malaman ng Senado kung nagbabayad ba ng tamang buwis at iba pang obligasyon sa gobyerno ang mga nag-aapply ng prangkisa.
Kasama sa sinusuri ng Senado ang applications ng labing anim na telecommunications companies , prangkisa ng labing dalawang broadcast station at renewal ng air philippines.
Sinabi ni Poe bago magbigay ng prangkisa sa isang kumpanya , dapat matiyak na wala silang pananagutan sa gobyerno.
Kailangan rin aniyang suriin ang performance ng mga aplikante at malaman kung nakakasunod ba sa mga itinakdang regulasyon ng pamahalaan at ano ang mga posibleng paglabag.
Dismayado ang Senador na chairman ng Senate committee on public services dahil hangga’t maari gusto nilang matapos ang committee report at maiendorso na sa plenary sa susunod na linggo.
Hanggang sa susunod na linggo na lang ang plenary session at magre recess para sa holiday break ang problema limitado na ang sesyon sa susunod na taon dahil magsisimula naman ang panahon ng kampanya.
Meanne Corvera