Bisa ng Sinovac anti COVID-19 vaccine ng China , hindi dapat na maliitin – Malakanyang
Umapela ang Malakanyang sa publiko na hindi dapat na maliitin ang bisa ng Sinovac anti COVID 19 vaccine ng China.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na pasado sa vaccine quality rating ng World Health Organization o WHO ang Sinovac.
Ayon kay Roque batay sa vaccine quality treshold ng WHO pasado ang mga bakunang may efficacy rating na 50 percent pataas.
Inihayag ni Roque maituturing na mabisa parin ang Sinovac dahil mayroon itong 50.4 percent efficacy rating batay sa ginawang ebalwasyon ng Food and Drug Administration o FDA kaya inisyuhan na ito ng Emergency Use Authorization o EUA.
Inaasahang sa susunod na tatlong araw ay darating na sa bansa ang 600 thousand doses ng Sinovac na donasyon ng China.
Magugunitang dahil sa 50 percent efficacy rating ng Sinovac hindi ito gagamitin ng mga medical frontliners kundi ipagagamit ito sa mga economic frontliners o mga manggagawa at militar.
Vic Somintac