Biyahe ng mga sasakyang pandagat sa mga pantalan balik na sa normal dahil sa pagbuti ng panahon
Pinayagan na muli ng Philippine Coast Guard ang mga sasakyang pandagat na makabiyahe dahil sa paghina ng bagyong Crising.
Sinabi ni PCG Spokesman Commander Armand Balilo, kaninang alas otso ng umaga ay balik sa normal na ang byahe ng mga sasakyang pandagat sa lahat ng mga pantalan sa buong bansa.
Samantala, sa pinakahuling ulat ng Coast Guard, mahigit 62 thousand na mga pasahero ang dumadagsa sa mga pantalan sa ibat ibang bahagi ng bansa mula pa kagabi.
Pinakamarami sa mga naitala ay mula sa mga pier sa Western Visayas na nasa mahigit 17 thousand; Central Visayas mahigit 15 libo; at ikatlo ang mga pantalan sa Southern Tagalog na mahigit 11 libo.
Nasa heightened alert pa rin ang PCG hanggang April 20 bilang bahagi ng kanilang Oplan Byaheng Ayos.
Ulat ni: Moira Encina