Biyahe ng mga tren sa Paris apektado ng welga kaugnay ng Olympics bonus
Naglunsad ng isang araw na welga ang mga driver at ticket inspectors ng commuter trains sa Paris, upang i-pressure ang management tungkol sa bonuses para sa Olympics sa July at August.
Umalis sa trabaho ang mga driver mula sa RER at iba pang commuter lines, na araw-araw ginagamit ng milyun-milyong mga manggagawa na nakatira sa paligid ng kapitolyo, na naging sanhi ng lubhang pagkaantala ng mga biyahe at pagbigat ng daloy ng trapiko.
Sinabi ng restaurant worker na si Anne-Sophie Collier, “I left two hours earlier than normal to make sure I was on time, I arrived in central Paris after an uncomfortable journey on a packed train.”
Naglunsad ng mga welga ang mga unyon na kumakatawan sa mga manggagawa sa pampublikong sektor o di kaya naman ay nagbantang magwewelga, kung saan humihingi sila ng dagdag na kabayaran para sa ipagtatrabaho nila mula July 26-August 11 o sa panahon ng Olympic Games, na nataon naman sa tradisyunal na summer holiday sa France.
Ang mga pulis, air traffic controllers, Paris rubbish collectors, central government employees, metro drivers at firefighters ay pawang nagsihingi rin ng kabayaran, sanhi para ma-pressure ang gobyerno upang maiwasan ang anomang ‘disruption’ sa Olympics.
Welga rin ang mga manggagawa sa national mint, na siyang gumagawa ng mga medalya, ngunit iginiit ng management na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang produksiyon.
Ayon sa Republicans senator na si Bruno Retailleau, “It’s intolerable that a few privileged people are able to take France hostage very, very regularly.”
Ito rin ang puna ng maraming right-wing at far-right lawmakers kaugnay ng nangyaring welga.
Sinabi ng senador, “The right to strike is constitutional, but so is the right to have minimum public services.”
Ang nangyaring welga ay naganap isang araw bago ang roundtable sa pagitan ng train drivers ng SNCF network at management upang talakayin ang Olympics bonuses, kaya’t ang naturang strike ay nakikitang isa lamang pressure tactic.
Samantala, nag-anunsiyo rin ang ilang unyon na kumakatawan sa airport workers sa Paris ngunit tila walang masyadong naging epekto ang pagtigil nila sa trabaho.
Sinabi ng tagapagsalita para sa airport operating company, “All flights will be able to operate.”