Biyuda ni Gov. Degamo, ikinatuwa ang pagbasura ng Timor-Leste sa asylum request ni Cong. Teves
Ikinatuwa ni Pamplona, Negros Oriental Mayor Janice Degamo ang pagbasura ng Timor-Leste sa political asylum request ni suspended Congressman Arnolfo Teves Jr.
Sa panayam ng programang “Kasangga Mo ang Langit”, sinabi ni Mayor Degamo na patunay lamang ito na concerned din ang Timor Leste sa nangyayari sa Pilipinas.
Maituturing aniya itong tulong na rin sa Pilipinas sa ginagawang hakbang para papanagutin ang mga nagkasala sa bansa.
“I was happy when he was denied the asylum, ibig sabihin may neighbors around the globe who is not just concern with them but also with their neighbors,” pahayag ni Mayor Degamo.
Gaya ng panawagan ng gobyerno, dapat aniyang umuwi na sa bansa si Cong. Teves para harapin ang mga alegasyon laban sa kaniya, partikular ang ukol sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
“There’s no reason for him [Teves] to run away,” pagdidiin pa ni Mayor Degamo.
Sa ulat, ini-a-apela ni Cong. Teves ang pagbasura ng Timor-Leste sa kaniyang hiling na political asylum.
Matapos ibasura ang asylum request, binigyan lamang si Teves ng Timor-Leste ng 5 araw para manatili sa bansa.
Weng dela Fuenta