‘Black Adam’ nanguna pa rin sa N.America box office
Nangunguna pa rin ang “Black Adam” ng Warner Bros., sa ikalawang linggo ng pagpapalabas nito na kumita ng tinatayang $27.7 million sa North American box office.
Pinagbibidahan ito ni Dwayne “The Rock” Johnson bilang dating alipin na nabigyan ng special powers.
Pumangalawa naman sa “Black Adam” para sa Friday-through-Sunday period, ang “Ticket to Paradise” ng Universal na isang romantic comedy at kinatatampukan ng A-list stars na sina George Clooney and Julia Roberts. Kumita ito ng $10 million.
Ayon kay David A. Gross ng Franchise Entertainment Research, apat sa 10 nangungunang pelikula ay horror films.
Nasa ikatlong puwesto ang “Prey for the Devil,” isang pelikula mula sa Lionsgate flick, na kumita ng $7 million.
Dalawang iba pang horror films, ang “Smile” ng Paramount na nasa ika-apat na puwesto at ang “Halloween Ends” ng Universal na nasa ika-limang puwesto, ay kumita ng $5 million at $3.8 ayon sa pagkakasunod-sunod.
Sa kabuuan, hindi masyadong maganda ang nakalipas na weekend para sa Hollywood, dahil ang mga pelikula ay kumita lamang ng $66 million, mas mababa mula sa $100 million nang sinundang weekend.
Samantala, narito ang kukumpleto sa top 10 were:
6) “Lyle, Lyle, Crocodile” ($2.8 million)
7) “Till” ($2.8 million)
8) “Terrifier 2” ($1.8 million)
9) “The Woman King” ($1.1 million)
10) “Tar” ($1 million)
© Agence France-Presse