Blood donation, may malaking maitutulong upang lumakas ang Immune system – ayon sa eksperto
May benepisyong pangkalusugan ang regular na pagdo-donate ng dugo.
Ito ang pahayag ng isang eksperto mula sa Blood service ng Philippine Red Cross o PRC.
Sabi ng eksperto, malalabanan ng isang taong regular na nagdo-donate ng dugo ang iba’t-ibang uri ng karamdaman tulad ng trangkaso.
Ito ay dahil napapalitan umano ng bago ang luma at matagal ng dugo ng isang indibidwal.
Sa pagdo-donate ng dugo, lumalakas umano ang isang tao at nagpapabata ng pakiramdam ang mga regular blood donor.
Samantala, ayon sa PRC, tumataas ang bilang ng mga kababayan nating nangangailangan ng dugo para sa kani-kanilang maysakit na pamilya.
Batay sa tala ng PRC, 50 hanggang 60 bags araw-araw ang naipagkakaloob na dugo sa mga taong lumalapit sa kanila.
Tandaan natin na sa pagdodonate ng dugo….nakapagliligtas tayo ng buhay.
Ulat ni Belle Surara