Boatman patay nang tumaob ang 3 bangka sa Panglao

Courtesy: PCG FB page

Isang boatman ang namatay, habang 20 turista naman ang nailigtas matapos tumaob ang 3 Bangka sa Gak-ang Island sa bayan ng Panglao.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard- Western Bohol, nag-island hopping ang sakay ng mga bangkang RBCA Margie 2, RBCA Plaza at RBCA Leah Mae.

Subalit dahil sa biglang pagsama ng lagay ng panahon ay tumaob ang mga bangka nang hampasin ng malakas na hangin.

Nakilala ang namatay na boatman na si Vito Vistal, 62-anyos habang nailigtas naman ng mga tauhan ng PCG ang 20 turista na karamihan ay mga Koreano.

Aldrin Puno

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *