Bodega ng gilingan ng bao sa isang pabrika ng mantika sa Malabon, nasunog
Nasunog ang isang bodega ng gilingan ng bao sa isang pabrika ng mantika, sa Barangay San Agustin sa Malabon City.
Nagsimula ang sunog kaninang alas 6 ng umaga, kung saan mabilis na kumalat ang apoy na umabot sa 1st alarm.
Ang nasabing pabrika ng mantika ay napag-alamang pagmamay- ari ni Tac Padilla ng Barangay San Agustin.
Agad naman rumesponde ang mga bumbero at mga fire volunteer ng barangay, upang apulahin ang sunog.
Ayon kay Arnold Arevalo, hepe ng Barangay Fire Volunteer, posible aniyang nagsimula ang sunog sa nakaimbak na sako ng upos ng bao hanggang sa kumalat na ang apoy.
Nahirapan namang makapasok agad ang mga bumbero dahil sa makapal na usok.
Idineklarang fire under control ang sunog, alas 8:30 ng umaga.
Wala naming nasawi o nasaktan sa nangyari, at wala ring nadamay na bahay.
Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang nangyaring sunog, at inaalam na rin ang naging halaga ng pinsala sa sunog.
Nagpayo rin ang mga ito na ugaliing lagging nasa maayos na kundisyon at regular ang maintenance ng mga makina, at pagchi-check sa electrical wirings upang maiwasan ang mga katulad na pangyayari.
Ulat ni Marco Morit