Bongbong Marcos nanguna sa kalye survey sa mga Pinoy sa Amerika at Canada
Si Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang nanguna sa kalye survey sa presidential candidate ng mga Pilipino sa Amerika at Canada.
Batay sa datos ng Pulso ng Pilipinas, si Marcos ay nakakuha ng 56.18% o 250 boto mula sa 445 respondents sa North America.
Ayon sa SPLAT Communications, ang nasabing bilang ang kabuuang nakalap na ‘real time, real man on the street survey’ na isinagawa mula Oktubre 2021 hanggang Enero 31, 2022.
Pumangalawa si Manila Mayor Isko Moreno na nakakuha ng 61 boto o 13.71%.
Pumangatlo naman si Vice-President Leni Robredo na may 56 na boto o 12.58%.
Si Sen. Manny Pacquiao ang pang-apat na may 16 na boto o 3.6% na sinundan ni Sen. Ping Lacson na nakakuha lamang ng apat na boto o 0.90%.
May 13.03% naman na respondents ang undecided.
Nakatulong ng SPLAT Communications ang information at statistical data consulting firm na Simplified Strategic Solutions (SSS) sa pagtaya ng mga datos mula sa kalye survey.
Ayon sa SPLAT, maging ang mga analysts nito ay namangha sa botong nakuha ni Marcos.
Lalo na’t karaniwan ng mga Pinoy sa North America ay nakakakuha ng mga impormasyon ukol sa May 9 national elections mula sa mga mainstream media ng Pilipinas.
“Honestly, we were surprised that BBM is way ahead of other presidentiables in North America. For a long time, they get their information from the mainstream Philippine media through their cable networks or satellite feed subscriptions. As such, we have always perceived their sentiments to be anti-Marcos and anti-Duterte. But we were proven wrong. This only means one thing – the BBM avalanche is real and it is global,” ayon sa SPLAT.
Maging sa kalye surveys sa West Coast sa Los Angeles at San Francisco sa California ay si Marcos pa rin ang pangunahing sinusuportahan ng mga Pinoy.
Base sa datos, 221 ang boto kay Marcos mula sa 412 respondents 53.64%
Kasunod si Moreno na may 60 na boto o 14.56%; pangatlo si Robredo sa 54 na boto o 13.11%.
Si Pacquiao naman ay may 16 boto o 3.88%; si Lacson ay may 3.73%; at ang undecided ay 14.08%.
Samantala, sa Canada na may 35 respondents si Marcos pa rin ang nakakuha ng pinakamalaking boto na 29 puntos o 87.88%.
Pangalawa si Robredo na may tatlong boto o 6.06% habang si Moreno ay pangatlo na may dalawang boto o 3.03%.
Pang-apat si Lacson na may isang boto o 3.03%; habang zero naman si Pacquiao.
Madelyn Moratillo