Booster shot drive thru vaccination caravan para sa 4 wheels na sasakyan sa Maynila aarangkada ngayong araw
Simula ngayong araw ay bukas na rin ang booster shot drive thru vaccination para sa 4 wheels sa Quirino Grandstand.
Inisyatiba ito ng lokal na pamahalaan ng Maynila para mas mahikayat ang mga bakunado na kontra COVID-19 pero wala pang booster shot.
Pero kumpara sa ibang booster shot vaccination sa Maynila, may limit ito na 300 sasakyan lang kada araw.
Pero ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ang isang sasakyan pwede naman magsakay ng hanggang 5 pamilya nito o katrabaho para sa booster.
First come first serve basis ang sistema rito na magbubukas ng 8am.
Bukod sa booster shot vaccination caravan na ito, tuloy parin naman ang COVID-19 vaccination sa mga health center, 4 na mall sites at iba pang school sites sa Maynila.
Madz Moratillo