Booster shot vaccination sa mga economic frontliner kabilang din sa tututukan sa Bayanihan Bakunahan 4
Bukod sa mga Senior citizen kasama rin sa magiging target sa Bayanihan Bakunahan 4 ay ang mga economic frontliner.
Ayon kay Health Usec. Myrna Cabotaje, Chairperson ng National Vaccination Operations Center, mahalagang mabigyan ng booster shot ang mga ito dahil lantad din sila sa maraming tao kaya mataas ang kanilang risk na tamaan ng Covid 19.
Tatargetin din aniya nilang mas mapataas pa ang booster shot vaccination sa hanay ng mga health worker dahil sila ang nasa harap ng giyera sa virus.
Ayon kay Cabotaje, inilalatag na nila ang plano dahil para sa Bayanihan Bakunahan 4 ay dadalhin nila ang vaccination site sa mga lugar ng paggawa.
Sa datos ng DOH, sa mahigit 2.8 milyon fully vaccinated health workers may mahigit 1.1 milyon palang ang may booster dose.
Para naman sa mga Senior citizen sa mahigit 6.4 milyon fully vaccinated ay mahigit 1.8 milyon ang may booster, habang sa mahigit 18 milyong essential workers na bakunado na ay mahigit 3.4 milyon palang ang may booster.
Madz Moratillo