Borrell ng EU, hiniling sa European navies na magpatrulya sa Taiwan Strait
Nanawagan si European Union (EU) foreign policy chief Josep Borrell sa European navies, na magpatrulya sa pinagtatalunang Taiwan Strait.
Ang komento ni Borrell sa Journal Du Dimanche, ay pag-uulit sa naging komento niya noong isang linggo nang bigyang-diin niya kung gaano kahalaga ang Taiwan sa Europe.
Ayon kay Borrell, “Taiwan ‘concerns us economically, commercially and technologically.’ That’s why I call on European navies to patrol the Taiwan Strait to show Europe’s commitment to freedom of navigation in this absolutely crucial area.”
Nitong nakalipas na dalawang linggo, ay naglunsad ang China ng tatlong araw na military exercises sa paligid ng Taiwan — kung saan nagsagawa sila ng simulation ng targeted strikes at blockade sa isla — bilang tugon sa isang pulong sa pagitan ni Taiwanese President Tsai Ing-wen at US House Speaker Kevin McCarthy.
Sa isang talumpati bilang pagbubukas sa isang debate tungkol sa China sa European Parliament, ay sinabi ni Borrell, “Taiwan is clearly part of our geostrategic perimeter to guarantee peace. It is not only for a moral reason that an action against Taiwan must necessarily be rejected. It is also because it would be, in economic terms, extremely serious for us, because Taiwan has a strategic role in the production of the most advanced semiconductors.”
Ang komento ay ginawa ni Borrell makaraang ipahayag ni French President Emmanuel Macron sa mga unang bahagi ng buwang ito na ang Europe ay hindi dapat na maging “tagasunod” ng Estados Unidos sa hidwaan sa pagitan ng China at Taiwan.
Ang naturang pahayag ni Macron na ginawa matapos niyang bumisita sa China, ay umani ng kritisismo mula sa ilang politiko kapwa mula sa Estados Unidos at sa loob ng European Union.
Inaangkin ng China na teritoryo nila ang Taiwan at nangakong balang araw ay isasailalim ito sa kanilang kontrol.
© Agence France-Presse