Botohan sa kaso ng Torre de Manila itinakda sa April 25
Ipinagpaliban ng Korte Suprema ang botohan nito sa kaso ng Torre de Manila na tinaguriang pambansang photobomber.
Muling isasalang sa deliberasyon ng mga Mahistrado ang kaso sa April 25.
Una nang nagpalabas ang Supreme Court ng TRO noong 2015 na pumigil sa pagpapatuloy ng konstruksyon ng Torre de Manila.
Inihain ng Knights of Rizal ang kaso sa Korte Suprema na hinihiling na mapagiba ang proyekto dahil sinisira nito ang sightline ng Rizal monument sa Luneta Park na mahalagang landmark sa bansa.
Respondent sa kaso ang DMCI Homes na developer ng Torre de Manila, Pamahalaang Lungsod ng Maynila, National Commission for Culture and the Arts, National Museum at National Historical Commission of the Philippines.
Ulat ni: Moira Encina