Boy Scouts of the Philippines, nagsagawa ng Basic Training Course sa mga guro ng elementarya sa Navotas City
Ilang araw bago ang pagsisimula ng face-to-face classes para sa School Year 2022 – 2023, ay naghanda ang mga guro sa elementarya ng lungsod ng Navotas.
Hindi naging madali sa mga guro ang dalawang gabi at tatlong araw na pagsasanay na kanilang naranasan, upang makatugon sa hamon ng Ligtas na Balik Aral na magsisimula sa Agosto 22 taong kasalukuyan.
Isinagawa ang mga pagsasanay sa Kapitbahayan Elementary School, Barangay NBBS Kaunlaran na pinangunahan ng Boy Scouts of the Philippines National Capital Region, Navotas City Council.
Ang Basic Training Course for Kawan Leaders ay pagsasanay sa mga guro ng Grade 1 to Grade 3, habang ang Basic Training Course for Troop Leaders naman ay pagsasanay sa mga guro ng Grade 4 hanggang Grade 6.
Ayon kay Leader Trainer Ms. Eraline C.Sison, ang scouting ay tungkol sa History, Fundamentals, Ideals, Values at iba pa. At ang pangunahing layunin ng mga pagsasanay ay upang pangunahan ng mga guro ang paghubog sa mga kabataang mag-aaral na magkaroon ng magandang kaugalian.
Aldrin Puno