BPI naisaayos na ang glitch na nagresulta sa double debit transactions sa ilang customers nito
Naresolba na ng Bank of the Philippine Islands (BPI) ang duplicate transactions na nakaapekto sa ilang kliyente nito noong Miyerkules, Enero 4.
Una nang inireklamo ng ilang BPI customers na nabawasan ang pera sa kanilang accounts kahit wala silang transaksyon o hindi nag-withdraw ng salapi.
Ipinaliwanag ng BPI na na-doble ang posting ng ilang ATM, cash accept machine (CAM) deposits, point of sale (POS), at e-commerce debit transactions noong December 30-31, 2022.
Muling tiniyak ng bangko na ligtas ang pera sa accounts ng mga customers nito.
Sinabi ng BPI na maaari pa ring mahirapan na ma-access ang kanilang website at mobile app dahil sa dami ng inquiries sa kanilang online banking channels.
Moira Encina