Brazil president-elect Lula, dadalo sa UN climate summit dala ang pangakong isasalba ang Amazon
Inaasahang dadalo si Brazilian president-elect Luiz Inacio Lula da Silva sa UN climate summit sa Egypt sa susunod na linggo, upang ipangakong babaguhin ang environmental policies ng kaniyang right-wing predecessor at poprotektahan ang Amazon rainforest.
Ang biyahe ni Lula ngayong Lunes sa COP27 sa Sharm el-Sheikh, ang magiging una niyang international visit pagkatapos talunin ang far-right incumbent Brazilian president na si Jair Bolsonaro noong October 30, sa runoff election.
Ayon sa kaniyang press team, haharap sa isang conference sa Miyerkoles ang 77-anyos na lider na nangako noong panahon ng kampanya na kikilos tungo sa zero deforestation.
Gayunman, iniulat ng isang pahayagan na posible ring makipagkita ni Lula kay US climate czar John Kerry at i-anunsiyo na handa ang Brazil na i-host ang COP30 summit sa 2025.
Sinabi ni Francisco Eliseu Aquino, isang eksperto sa klima sa Rio Grande do Sul University, na kung si Lula na nagsilbi bilang pangulo mula 2003 hanggang 2010 ay mapipigil ang deforestation at iligal na pagmimina, siya ay gagawa ng malaking kontribusyon sa pandaigdigang paglaban sa climate change.
Ayon kay Aquino, “Lula knows the COP talks well. He was always proactive in international discussions and kept a high international profile.”
Upang maharap ang environmental challenge, ang dating steelworker na opisyal na magsisimula sa kaniyang ikatlong termino sa Enero 1, ay umaasang makakukuha ng tulong mula sa international community.
Ang dati at malamang na maging environment minister ni Lula sa hinaharap na si Marina Silva, ay nagsagawa na ng mga pagpupulong sa UN summit, at nagsabing pangungunahan ng Brazil sa pamamagitan ng “halimbawa” ang paglaban sa climate change.
Ayon kay Silva, plano ni Lula na labanan ang pagsira sa Amazon at isulong ang isang reforestation target na 12 million hectares, mayroon man o walang tulong mula sa international community.
Subalit malugod niyang tinanggap ang mga anunsiyo mula sa Norway at Germany, na itutuloy nila ang tulong pinansiyal sa Amazon Fund. Ang dalawang nabanggit na bansa ay kapwa umurong sa pagtulong noong 2019, matapos maupo sa kapangyarihan si Bolsonaro.
Sinabi ni Daniela Costa, isang tagapagsalita para sa Greenpeace Brazil, “With Lula’s weight and influence, and due to worries all over the world for the Amazon, it is possible that some bilateral agreements might be reached.”
Sa COP27, maaaring i-anunsiyo ni Lula ang pagbuo sa isang high-level body upang pag-ugnay-ugnayin ang trabaho ng iba’t ibang ministries na aktibo sa climate work.
Ayon kay Aquino, “The fight against global warming is not just about protecting precious areas like the Amazon. It also involves the economy, health and agriculture.”
Sinabi naman ni Dinaman Tuxa, coordinator ng Articulation of Indigenous Peoples of Brazil, “We welcome the arrival of Lula with much hope.”
© Agence France-Presse